Sa pagtatanong ni Rep. Mikaela Suansing sa pagdinig ng House QuadComm hearing, sinabi ni SPO4 Sonny Buenaventura na alam niya ang ginawang testimonya ni dating PCSO Chairperson Royina Garma, pero sinabi niyang hindi niya alam ang naturang "reward system."
Nang tanungin si Buenaventura kung willing ba siyang i-waive ang kaniyang bank secrecy sa QuadComm, mariin siyang tumanggi at sinabing para raw sa kaniyang pamilya ang kaniyang bank account.